Filed under: Uncategorized
Nung di ko pa naramdaman
Na siya’y aking nagustuhan
Sa isang babae ko nalaman
Siya’y may gusto sa aming kaibigan
Habang kinukwento niya
Kung ano ang nagustuhan niya
Ako ay naging masaya
Dahil sila’y malapit sa isat-isa
Pero kinalaunan
Ako’y may naramdaman
Damdaming hindi mapipigilan
Ng kahit na sinuman
Ang aking naramdaman
Ay pagkagusto sa kaibigan
Na siyang gusto rin
Ng aking kaibigan
Nang minsan nakalimutan ko
Maaring masaktan ang kaibigan ko
Kung may pagsasabihan ako
Na ang gusto niya ay gusto ko
Nalaman ng mga kaklase ko
Na ako’y may gusto sa kaklase ko
Ngunit nagsinungaling ako
Baka kasi marami ang masaktan ko
Marami na ang nagdaan
Na kami’y may pinagsamahan
Ngunit hin nagpapansinan
Tiyak na nagkakahiyaan
Wala akong inisip kundi siya
Hindi ko inisip amay masasaktan pala
Basta’t ako ay maligaya
Wala nang hahadlang pa
Ilang araw napansin ko
May isang babae, kaklase ko
Na naiinis ng totoo
Ewan ko ba kung dapat mainis rin ako
Naisip ko nga minsan
Mukhang kami’y mag-aagawan
Sa lalaking aming kinababaliwan
Sna walang mangyaring awayan
Marahil tatlong linggo
Nakipagkumpitensya ako
Sa babaeng karibal ko
Sinekreto ko nga lang ang galit ko
Yun na ata ang pinakamatindi
Selos kong pinakamatindi
Kapag makipag-usap siya saki’y
Kaplastikan ang maghahari
Araw-araw naiinis ako
Kapag nakikita siya ng mga mata ko
Kilay ko’y nagtatagpo
Tumataas ang dugo ko
Nang mabasa ko ang tula niya
Mas lalo akong nainis sa kanya
Pati ba naman sa pagsulat ng tula
Karibal ko pa siya
Sa ganung mga oras
Mas lalo akong nainis
Ako’y sumulat ng tulang matamis
Hindi ko na inisip ang mga hinagpis
Disyembre 2008, ako’y masaya
Sapagkat hindi ko siya makikita
Naiinisan ko’y mababawasan
Kahit isang buwan lang naman
Habang nagsisimnag gabi
Utak ko’y di mapakali
Puso oko’y di mapakali
Hindi pa nalalaman ang sanhi
Mga pang-apat ng simbang gabi yata
Ang utak ko’y tinopak ata
Marahil gusto namang maiba
Magandang buhay ay maitimpla
Tatlong sulat ang ginawa ko
Para sa tatlong kaibigan ko
Medyo nagdadalawang isip nga ko
Kung gawin nila ang kahilingan ko
Nakasaad sa sulat ko
Na tigilan na nila ang pagtagpo
Sa akin at sa iniidolo ko
Baka kasi may nasasaktan na ako
Pagbalik ng klase
Ako’y nagsisisi
Sa mga sinulat ko kasi
Hindi na tuloy ako naging happy
Nawala na ang tambalan
Na Nilcar at Lynjean
Mgunit bumalik na naman
Ang aking kinaiinisan
Siya’y hindi umuuwi
Kapag si Nilcar ay hindi pa umuuwi
Mukha siyang buntot na nakausli
Kainisan ko tulo’y siyang sanhi
Isipin niya sanang may nasasaktan
O siya’y kaiinisan
Ang dapat niyang gawin
Mag-isip siya bago may masaktan
Pero bakit ako?
Kahit nalaman na nila ang totoo
Nagsinungaling parina ko
Para walang masaktan pa lalo